Tungkol Sa Pagsisikap
Salawikain: "Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa"
"Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa"
Paliwanag: Ang lahat ng iyong pagsisikap sa buhay ay hindi mababalewala basta't sa puso at isip ay gumagawa ka ng tama. Ang basbas sa bawat mong pagsasakripisyo at paghihirap para ika'y makaahon sa hirap ay may katumbas na magandang biyaya na pagpapala ng Maykapal. Huwag mag-alala sa buhay sapagkat ang mabuting gawa na sinamahan ng taimtim na pagdarasal ay aani ng masaganang grasya. Ang taong masipag at masikap ay may biyaya sa hinaharap kaya't dapat at huwag maging tamad.
***
Sponsored:
Captain Underpants Collection Of Books
Roald Dahl Collection Of Books