Salawikain Tungkol sa Pagsisinungaling

Salawikain: Ang batang hindi nagsasabi ng katotohanan, ay batang hindi maaasahan.

Salawikain tungkol sa batang magaling magsinungaling at ang kahihinatnan nito.
Salawikain Tungkol Sa Pagsisinungaling

Tungkol sa Magaling Magsinungaling

 

"Ang batang hindi nagsasabi ng katotohanan, ay batang hindi maaasahan."

 

Paliwanag: Ang pagsisinungaling ay hindi nakakabuti kahit kanino. Nagdudulot ito ng kawalan ng pagtitiwala ng iba sa taong mahilig mag-imbento ng kwento. Nakakasira ang pagsisinungaling sa kredibilidad ng isang tao para hindi sya mapagkatiwalaan sa maliit man o sa malaking bagay. 

Ang kasinungalingan ay hindi magandang gawain. Kahit kailan ang dulot lang nito ay ang masamang reputasyon sa isang tao at hindi magandang pagkakakilanlan. Ang isang bata ay hindi dapat matutong magsinungaling upang hindi matutong makapanloko ng kapwa. Ang kasinungalingan ay ang isang uri ng masamang gawain na mapanlinlang sa kapwa at ito ay hindi dapat sanayin sa sarili.

***

Mag-post ng isang Komento

Maraming Salamat sa inyong pagsubaybay!!

Mas Bago Mas luma