Salawikain Tungkol Sa Pasko

Tungkol Sa Pagdiriwang ng Pasko

Salawikain: Kung kaarawan mo'y pyesta kung ipagdiwang, Paano pa kaya ang sanggol na pasko nung isilang 

Salawikain tungkol sa Pasko at paliwanag nito

"Kung kaarawan mo'y pyesta kung ipagdiwang, paano pa kaya ang sanggol na pasko nung isilang"


Paliwanag: Ang pagdiriwang ng kaarawa'y ginagawa natin bilang pasasalamat sa buhay na naging atin. Isang regalo na di mo ikakaila na sadyang dinadakila dahil gawa ng Maylikha. Isang beses na ibinigay at dapat pahalagahan pagkat isang beses lang makakamtan. Kaya't ang pagdiriwang ng kaarawan ay pagpapatunay ng halaga natin sa Kanya. Kaya't bago pa ang anupaman, dapat nating ipagpasalamat na tayo ay nabuhay at isinilang.

Kung kaya nating ipagdiwang ng magarbo at magara ang ating mga kaarawan ay marapat lamang na atin ding ipagdiwang at ibigay ang pasasalamat sa araw ng kapanganakan at  kaarawaan ng ating Poong Dakila.


Sponsored:

Harry Potter Set Of Books

Captain Underpants Collection Of Books

Mag-post ng isang Komento

Maraming Salamat sa inyong pagsubaybay!!

Mas Bago Mas luma