Salawikain Tungkol sa Pagsisisi
Salawikain: Magsisi ka man at huli, wala na ring mangyayari
Paliwanag: Ano't malimit naman nating mapakinggan ang mga salitang 'ang masamang gawi, madalas ay ikauuwing sawi', pero sadyang ang katigasan ng ulo ay naririyan na kasi parati.
Kaya't sa bawat ginawang pagkakamali, siguradong may pagsisisihan sa bandang huli kahit gaano pa ito iwaksi. Masakit man ang katotohanan , kadalasan sa huli ay wala ng maisalsalbang magandang pangyayari pagsisihan man ng mabuti. Umiyak ka man ng bato, doon mo lamang mapagtatanto na walang tamang pagkakamali.