Salawikain Tungkol sa Kaalaman

 Salawikain: Pulutin ang mabuti, ang masama  ay iwaksi.

Salawikain tungkol sa masama at mabuti
Salawikain Tungkol Sa Kaalaman

Tungkol Sa Kaalaman

"Pulutin  ang mabuti, ang masama ay iwaksi."

Paliwanag:  Marami ang bagay sa paligid ng tao ang maaaring kapulutan ng ibat-ibang impluwensya. Maraming tao ang may iba't-ibang opinyon sa maraming bagay na ito. Maaaring minsa'y ito'y mabuti,minsa'y masama.  May mga na hango sa pag-aaral at ang iba'y sapantaha at kuro-kuro lamang. 

May mga salitang galing sa dalubhasa at marami nama'y galing sa opinyon lamang. Magsaliksik at manuri at makailang beses mag-isip bago maniwala. Mainam na sa bawat pupulutin na kaalaman kahit sa simpleng bagay lamang,ay mainam na kunin lang ang mabuti at ang mainam at ang makakasama sa sinuman ay itapon na lamang.

***

Mag-post ng isang Komento

Maraming Salamat sa inyong pagsubaybay!!

Mas Bago Mas luma