Salawikain Tungkol Sa Taong Madada
Salawikain: Kung sino ang masalita, sila ang kulang sa gawa.
Paliwanag: Ang taong madada ay yung taong walang habas kung dumaldal. Madaming sinasabi at palaging puno ang bibig ng salita ngunit pansinin mong maigi at sila pa ang di makahabol sa huli. Para silang latang walang laman na pagkasakitsakit sa tenga kung kumakalampag kapag iyong pakikinggan.Madalas ay mapanlait at may katabilan ang dila.