Salawikain: Kung ano ang itinanim, ay sya ring aanihin
"Kung ano ang itinanim ...ay sya ring aanihin"
Paliwanag: Ipinababatid nito ang resulta na maaaring mangyari sa isang tao base sa kung ano ang maaaring kahihinatnan ng kanyang mga nagawa, ginagawa at gagawin pa lang.
Ang magtanim ng magandang halimbawa ay maaaring umani ng papuri at maging kapitapitagan sa mata ng nakararami. Subalit ang magtanim ng masamang gawa ay aani naman ng masamang karma at pagkamuhi ng nakapaligid sa kanya.
***