Salawikain Tungkol Sa Paggawa ng Desisyon

Salawikain Tungkol Sa Paggawa ng Desisyon


Salawikain: Ang anumang iyong nais gawin makapito mong iisipin, Naisip mo mang magaling kung minsan nga'y mali pa rin.

Paliwanag: Huwag maging padalos-dalos at pabugso-bugso ang damdamin sa paggawa ng desisyon sa buhay. Hindi lahat ng bagay na maisip mong tamang gawin ay dapat isakatuparan at kailangang sundin. 

May mga bagay na minsan lang dapat desisyunan at gawin, at kapag nagkamali ay walang sisi lalo't hindi na mababawi. Siguraduhin na walang magiging pagsisisi sa huli. Pag-ibayuhin ang pag-gawa ng desisyon at lakipan ng tamang hangarin. Makabubuting lakipan din ito ng marubdonb na panalangin.

Mag-post ng isang Komento

Maraming Salamat sa inyong pagsubaybay!!

Mas Bago Mas luma