Salawikain Tungkol Sa Pintasero

Salawikain Tungkol Sa Taong Pintasero


Salawikain: Mahahatulan mo ang iyong kapwa kung nasukat mo na ang iyong sariling gawa.

Paliwanag: Lubhang madali sa kahit na sino ang pumula o pumuna sa gawain ng iba. Ngunit kadalasan ang pamumuna na nakasasakit sa kalooban ng iba lalo pa't ginagawa itong dahilan lamang ng ilan para gawing pangutya at katatawanan ay hindi mainam na pamamaraan. 

 Bago mo batiin ang gawain ng iba, siguraduhin munang hindi ito babalik sa iyong pagmumukha. Bago mo pintasan ang dusing ng iba ay marapat lamang na manalamin at unahin muna ang putik sa iyong mukha. Kung hindi ka rin lamang naman nalalayo sa iyong nakikita, minsan ay mainam pang manahimik na kusa. Ang pagbabago ay sa iyo rin magmumula.


Mag-post ng isang Komento

Maraming Salamat sa inyong pagsubaybay!!

Mas Bago Mas luma