Salawikain Tungkol Sa Kagandahan
Salawikain: Lumilipas ang kagandahan, ngunit hindi ang kabutihan
Paliwanag: Ang kabataan katulad rin ng kagandahan, ito ay sadyang hinulma na panandalian lamang. At sa paglipas ng taon, ang kagandahang taglay ay maaaring kumupas kasama ng panahon.
Pero ang itinanim na kabutihan, sa puso ng sinuman ay habangpanahon na pinahahalagahan at patuloy na umuusbong. Maglaho man sa paningin ng karamihan ang iyong kagandahan, subalit ang kabutihang itinanim ay patuloy na yayabong.