Salawikain: Ang batang malinis sa katawan, ay batang malayo sa karamdaman.
Tungkol Sa Kalinisan |
"Ang batang malinis sa katawan, ay batang malayo sa karamdaman."
Paliwanag: Ang batang may pagmamahal sa sarili ay hindi dapat hinahayaan ang kanyang katawan na marumi. Ang mikrobyo ay nakatira sa dumi, ang sakit ay nagmumula naman sa kapabayaan sa sarili.
Kung nais na malayo sa sakit katawan ay panatilihing malinis. Magsipilyo, maligo, magkuko at malinis na damit ay palaging isuot. Kumain ng tama at sa gulay ay mabusog.
***