Alamat Ng Singkamas

Alamat Ng Singkamas

Ang Busilak na Puso ni Sinta at Dimas



Noong unang panahaon, may isang dalagang nagngangalang Sinta na nagtataglay ng ganda at kabaitan. Siya ay isang mahusay na tagapag-alaga ng mga halaman at punong -kahoy. Sa kanyang paglalakbay, upang maghanap ng mga halamang makakatulong sa kanyang komunidad, nakilala niya ang isang binata na nagngangalang Dimas. Si Dimas ay isang tagapag-alaga rin ng mga halaman at isang mahusay ng manggagamot.

Nang magkasama ang dalawa, agad silang nagkagustuhan sa isa't isa. Mas lalong namang nagpalakas ng kanilang pag-ibig ang pagtutulungan nila sa kanilang mga tungkulin. Ngunit, nagkaroon ng isang pagsubok sa kanilang relasyon.

Nakita nila sa kanyang paglalakbay ang isang ermitanyong nakatira sa isang masukal na lugar. Ang ermitanyo ay may makapangyarihang kakayahan na magbigay ng kakayahan sa mga halaman at punong kahoy upang magbunga ng mas malalaki at mas masarap na bunga. Ngunit, hindi siya madaling lapitan at mapagkatiwalaan dahil sa kanyang pag-iisa at ito'y misteryoso.

Dahil sa kanilang pangangailangan sa pagpapalaki ng mga halaman, naisipan ni Sinta na lapitan ang ermitanyo upang humingi ng kanyang tulong. Ngunit, may kundisyon ang emitanyo na dapat nilang sundin.

Kailangan nilang magdala ng isang kahoy na may mahiwagang gintong dahon na nakatanim sa malayong lugar. Binigyan sila ng ermitanyo ng isang talisman na tutulong sa kanila upang makahanap ng kahoy. Ipinakiusap niya sa dalawa na gamitin ang talisman upang mahanap ang kahoy at huwag itong gamitin sa ibang layunin.

Sa kanilang paglalakbay, nahanap nila nag kahoy na may gintong dahon. Ngunit, nahulog ang talisman sa kanila sa isang lugar na hindi nila alam. Dahil hindi na nila ito makita pa, pinag desisyunan nila na huwag ng bumalik sa matandang ermitanyo para isauli ang talisman gayundin ang kahoy na may gintong dahon at sa halip ay nagpatuloy na lamang sila sa kanilang pagtatanim upang patuloy na mabigyan ng magandang buhay ang kanilang komunidad.

Nang malaman ito ng ermitanyo, nagalit siya dahil hindi sila sumunod sa kanyang kondisyon. Inilabas niya ang kanyang galit sa mga halaman at punong kahoy sa paligid, nagdulot ito ng matinding sakuna sa kanilang komunidad. Nanaig ang pag-ibig at pagtitiwala sa isa't-isa, mapayapang nanikluhod si Sinta at Dimas sa harap ng galit na galit na ermitanyo. Dahil doon, nagawang pahupain ng magsing-irog ang nagpupupuyos na kalooban ng matandang ermitanyo.

Sa kabila ng galit ng ermitanyo at nangyaring sakuna, hindi nag-alinlangan si Sinta na pilitin na makausap na muli ang ermitanyo. Ipinaliwanag nila na ang kanilang ginawa ay dahil sa malasakit at pagmamahal sa kanilang komunidad at sa kanilang pangangailangan sa kapakanan ng lahat.

Nakiusap si Sinta na huwag na sanang ipagdusa ang mga halaman at punong kahoy sa kanilang lugar. Nagsalita rin si Dimas at sinabi niya na ang kanilang naging hakbang ay para sa ikabubuti ng lahat at hindi para sa pansarili lamang.

Nakita ng ermitanyo ang dalisay na saloobin at intensyon ng dalawa at nuo'y naintindihan nito ang naging hakbang na ginawa nila. Binigyan niya ng tulong ang dalawa sa pagpapalaki ng kanilang mga halaman at punong kahoy at ibinigay din niya sa kanila ang kahalagahang dapat nilang pangalagaan. Lalo na ang kalikasan at ang mga bagay na may mahalagang papel sa pagpapabuti ng buhay ng tao.

Matapos ang pangyayari, namunga ng mas maraming prutas at gulay ang mga halaman at punong kahoy sa kanilang lugar. Sa huli, napagtanto nina Sinta at Juan na ang kanilang pag-ibig ay naging matatag dahil sa kanilang pagtitiwala sa isa't-isa at sa kanilang pagpupunyaging pangalagaan ang mga taniman. Ipinakita nila na ang pagmamahal ay hindi lamang sa isa't isa kundi pati sa kalikasan at sa komunidad na kanilang kinabibilangan. At tulad ng mga halaman at punong kahoy na nagkaroon ng malalaking bunga, lumawak din ang pag-ibig ng dalawa para sa isa't isa sa kanilang komunidad.

Lihim na natuwa ang ermitanyo, kung kaya't nang dumating na ang panahon ng dapithapon sa buhay ni Sinta at Dimas, magkatabing inilagak ang kanilang pinaglibingan. Pagkaraan ng ilang araw, makikitang nagsulputan ang mga mumunting halaman. Nang bungkalin ng mga tao ay nakakuha sila ng kulay puting mala-pusong bunga. Ito ay nagpaalala sa dalisay na hangarin ng magkasintahan.

At dito nagmula ang alamat ni Sinta at Dimas na kalaunan ay tinawag naman na singkamas.


Mag-post ng isang Komento

Maraming Salamat sa inyong pagsubaybay!!

Mas Bago Mas luma