Alamat Ng Bulkang Taal

Ang Kwento ni Datu Mulwain at Prinsesa Taalita

Ang kwento ni Datu Mulwain at Prinsesa Taalita


Alamat Ng Bulkang Taal

Noong araw ay mayroong isang datu na bukod na kapita-pitagan ang kanyang reputasyon ay isa rin siyang mabuting pinuno. Maayos at maganda ang kanyang palakad sa kanyang mga nasasakupan. Datu Balinda kung siya ay tawagin. Sa kanyang balangay ay matatagpuan din ang balangay ng Batangan.

Isang nililiyag na anak na babae ang madalas pagtuunan ng pansin ng Datu. Bukod sa kaisa-isa lamang, magigiliw ka sa taglay nitong katangian. Maganda, mayumi, at mahinhin si Taalita at mapagmahal sa sariling kultura at tradisyon . Prinsesa Lita o Taalita ang ipinangalan sa kanya. Ang kahulugay Taal sa Tagalog at puspos ng ugaling kinagisnan.

Masasabing si Prinsesa Taal ay mahahalintulad sa pausbong na bulaklak na wala pang nakakadapong bubuyog upang higupin ang tamis ng kanyang pagmamahal. Ang kanyang mga kutis ay sariwa at humahalimuyak.

Dahil ang tirahan nila ay malapit sa lawa, nakahiligan ni Prisesa Taal ang mamangka kapag malapit nang lumubog ang araw sa Lawa ng Bunbon. Dahil siya ay isang prinsesa, tinatanuran siya ng kanyang mga alipin at mga abay.

Mayroong isang pagkakataon pagkatapos mamangka ay luhaang humarap si Prinsesa Taal sa kanyang amang si Datu Balinda.

"Ama kong Datu, mapatawad niyo po sana ako. Mayroon po akong kasalanan na nagawa. Pagkagalit ay sana huwag mong magawa."

"Anak, bakit ka umiiyak ano ba ang iyong nagawang pagkakamali?"

"Mahal kong Ama, Nahulog po ang singsing ko sa lawa habang ako'y namamangka," sagot ni Prinsesa Taal, na animo'y nahintatakutan.

"Ano! Dapat ay naging maingat ka. Iyan lamang ang bagay na nagpapaalala sa amin ng iyong ina at ng aming pagmamahalan. Ilang mga ninuno natin ang nagpasalin-salin sa singsing na iyan. Saksi iyan sa lahat ng sumpaan aming binigkas ng nasira mong ina."

"Alam ko pong napakahalaga ng singsing na iyan. Minahal at pinagkaingat-ingatan ko ang singsing na tulad na pagmamahal ko sa aking ina," sagot ng Prinsesa Taal na lumuha.

Lumuhod si Prinsesa Taal sa harap ng Ama.

"Anak, tumayo ka at huwag nang lumuha. Naguguluhan lamang ako sa narinig kong balita mula sa iyo. Alam mo bang ang singsing na iyan ay ibinilin pa sa akin ng iyong ina bago mamatay. Sinabi niya sa akin na ipagkaloob ko sa iyo ito tanda ng pagmamahal at pag-alala sa iyo!"

"Tumahan na anak at pagkagalit ko'y kinalimutan ko na," paamong wika ng Datu.

Niyakap ng Datu si Taal, na halos mapaiyak sa sandaling iyon.

Huwag ka nang mabalisa, hahanap tayo ng mga magagaling lumangoy upang sisirin ang nahulog mong singsing. Maibabalik din ang singsing at muling maisusuot sa daliri mo," paliwanag ng Datu.

"Salamat ng marami po, Ama ko. Ako po'y nagagalak sa pag-unawa niyo."

Ilang sandali pa ang lumipas. "Anak hindi ba dapat ika'y mag-asawa na. Nasa tamang edad ka na para lumagay sa tahimik. Matanda na rin ako at kailangan ko ng isang matapang na datu na siyang hahalili sa akin. Kailangan mo rin ng makakasama pag ako'y lumisan na," pakiusap ng Datu.

"Siya pong mangyayari Ama ko," sago tng Prinsesa.

Nagpaanunsyo kaagad ang Datu saan mang dako upang ipahayag ang kanyang nilalayon. Ipinaalam sa madla na kung sino mang lalaki na makakakuha ng singsing na nahulog sa Lawa ng Bunbon ay siyang mapapangasawa ng mayuming prinsesa. Ang balitang ito ay agad kumalat kung saanmang dulo ng kapuluan. Maraming dugong bughaw ang dumating mula sa iba't iabng lugar. Kasama rito ang mga Morong Datu mula pa sa Jolo at Tawi-Tawi. Hindi rin nagpahuli ang angkan ng Bukaneg mula sa Kabisayaan at Kabikulan. Hindi rin nagpadaig ang Kapampangan at dumating si Datu Pisot upang subukan ang kapalaran. Sa sinamang palad wala ni isa ang nagtagumpay upang maibalik ang singsing ng prinsesa.

Maraming araw ang lumipas sa paghihintay ng mag-ama. Pagkainip ang nararamdaman nila.

Di kalaunan, may isang Datu ang humingi ng tulong sa mga anito. Panalanging tulungan siyang masisid ang nawawalang singsing mula sa Prinsesa. Datu Mulawin ang ngalan ng lalaki at nagmula siya sa Nasugbo.

Matiyaga niyang sinisisid ang Lawa ng Bunbon. Mula umaga hanggang hapon. Walang tigil sa paglangoy.

Habang sa pagsisid ay may nahuli si Datu Mulawin ng isang buteteng laot na malaki ang tiyan. Nagtaka ang lalaki dahil isa pa lamang maliit na butete ay may malaki na kaagad ang tiyan nito. Ginawa niyang hiwain ang tiyan upang malaman kung ano ang laman. Ngunit laking gulat niya ng matagpuan doon ang nawawalang singsing ng Prinsesa. "Isang himala ito!" laking tuwa ni Datu Mulawin. "Ito kaya ang tugon sa panalangin ko at sa magandang hangarin para kay Prinsesa Taal?"

Kaya't ang pangako ng pinunong Datu ay nangyari. Agad ipinakasal si Prinsesa Taal kay Datu Mulawin. Nagdiwang ang buong balangay. Mayroon sayawan at kantahan. Lahat maligaya sa nangyaring okasyon. Ang pagsasama ng mag-asawa ay nasaksihan ng buong balangay ang magandang pamamalakad ni Datu Mulawin at masayang-masaya si Prinsesa Taal sa piling ng asawa.

Subalit ang pagsasama ay hindi laging masaya. Madalas ay may mga problema rin dumarating an siyang nagigigng dahilan ng balakid sa pagsasama.

Isang gabi, maliwanag ang sikat ng buwan, namasyal ang mag-asawa. Ang gabing iyon ang simula ng gulo sa pagsasama nila.

Mayroon isang matandang nuno pala na nagmamay-ari ng Lawa ng Bunbon. Matagal na niyang sinusubaybayan ang takbo at mga pangyayari sa palasyo at sa masayang pagsasama ni Datu Mulawin at Prinsesa Taal. Ang matandang nuno pala ay naiingit sa sarap ng buhay sa palasyo at sa ligaya ng pagsasama ng mag-asawa.

Ang gabi rin iyon ay namangka ang mag-asawa sa lawa. Habang sumasagwan si Datu Mulwain, siya namang kumakanta si Prinsesa kasabay ng tugtog ng kumintang.

Nang makita ni Prinsesa ang magandang bulaklak ng lotus, dahil nabighani ito, agad niyang pilit na inaabot. Sa kasamaang palad, ang prinsesa ay nahulog at lumubog. Bilis naman itinalon ni Datu Mulawin ang asawa upang sagipin. Subalit, kapwa sila lumubog. Lumubog sila dahil sa kapangyarihan ng matandang nuno na binalak silang mapinsala.

Ang mga alipin na nakakita sa pangyayari ay agad binalita sa mga tagaroon. Marami ang nagktangkang sisirin ang dalawa upang makita ang bangkay, ngunit bigo lahat sila.

Mula noon, may isang pulong lumitaw sa gitna ng Lawa ng Bunbon. Ang tawag nila rito ay Bulkan ng Taal. Pangalang ibinigay ng Datung pumalit kay Mulawin. Tanda na rin ito para laging maalala si Datu Mulawin at Prinsesa Taal.

***

Mag-post ng isang Komento

Maraming Salamat sa inyong pagsubaybay!!

Mas Bago Mas luma