Alamat ng Saging

Bakit May Puso Ang Saging at Bakit Hugis Daliri Ang Mga Ito

Alamat ng saging at bakit hugis daliri ito. Bakit nga ba may puso ang saging
Alamat Ng Saging

May isang dalagang hinahangaan sa angkin niyang kagandahan. Mariang Maganda ang tawag sa kaniya. Siya ay may harding puno ng sariwang halaman. Marami rito ang namumulaklak.

May rosal, kamya, at santan dito. Mayroon ding sampaguita, cadena de amor, at champaca. Nakikipagtagisan ng ganda ang dalaga sa bawat bulaklak na dito ay makikita.

Parang kabubukadkad na bulaklak pa lang si Maria. Siya ay batang-bata pa. Bagamat marami nang aali-
aligid na nanliligaw ay wala pa siyang mapili isa man.

Kay Maria, hindi mahalaga kung sino ka. Ang tanging basehan niya sa pagsinta ay kung gusto ba niya ang binatang sa kanya ay nagmamahal.

Isang hapong namumupol siya ng mga bulaklak ay may isang makisig na binatang bumaba sa isang karwahe. Natiyak ni Mariang galing sa isang marangal na pamilya ang ginoo. 

Ipinagtanong ng binata kung saan daw ba ang makikitang plaza. Itinuro ni Maria ang tamang daan. Nagpasalamat na may ngiti sa mga labi ang binata. Hindi alam ni Mariang gusto lang palang magpakilala ng ginoo kaya ito bumaba sa tarangkahan ng hardin nila.

Magmula noon, buwan-buwan nang dumadalaw sa hardin ang binatang nakakarwahe na nagpakilala sa pangalang Aging. Nang makasiguro si Maria sa matapat na saloobin ng binata ay sinagot ito ng dalaga.

Isang hapon ay nagsulat si Maria nang humahangos na dumating ang kasintahan.

"Ikinalulungkot ko Maria na sa lalong madaling panahon ay baka isasama na kita sa aming daigdig. Natakot akong baka hindi ko na matutunan ang daan papunta sa inyong sangkalupaan. Unti-unti nang napapansin ng aking mga kalipi ang lagi kong pagkawala sa aming daigdig.

Ikagitla iyon ng dalagaat nag-atubili na sumang-ayon sa binata subalit ayaw niyang mawala sa kanya ang mangingibig. Sa nakita ng binata ay di niya maisasama ang dalaga at natatakot rin ito sa maaaring maging panganib na sasapitin ng dalaga. Nagpaalam na lamang ito at wari ba'y walang kasiguruhan na sya'y makakabalik pa.

Nahintakutan ang dalaga na baka mawala na sa kaniyang paningin ang tanging binatang nakapagpatibok sa puso niya. Sa sobrang pagkalito ay lalong dumiin ang pagkakakapit ni Maria sa mga kamay ni Aging nang magpapaalam na ito.

Nakaalis na at ang nagmamadaling binata ay di napansin ng humahagulgol na dalaga na lalong humihigpit ang tangan nya sa mga kamay ni Aging na inaagusan ng sariwang dugo. At dahil doon ay di na niya napansin naglahong bigla ang kasintahan at naiwan ang mga kamay nito na tangan tangan ng dalaga.

Sa matinding takot ay ibinaon ni Maria ang dalawang putol na kamay sa kanyang hardin.

Tulad ng pangamba ni Maria ay di na nga nakabalik pa si Aging. Makalipas ang mga araw ay napansin ng dalaga na may sumibol na halaman sa lugar na kanyang pinagbaunan. Lumaki ang halaman. Naging malusog na puno ito at namunga. Nagtataka si Maria sa kadahilanang kahawig ng mga bunga nito ang mga daliri ni Aging. 

Ilang linggo pa ay sumulpot naman ang animo puso nitong kulay pula na animoy nagpapakita ng labis na pagmamahal. Kahit hindi na nakabalik pa nag kasintahan ay masaya na rin si Maria na may panahong isang dakilang mangingibig ang nagmamahal sa kanya. Pero tuwing sasagi sa isip ng dalaga ang matagal na pinagsamahan nila ay napapaluha rin ito sa at sinasambit-sambit ang pangalang Aging...

"Aging" ang malimit na sambit nito.

Ang pangalang Aging ay naging Saging. Yan ang alamat ng unang saging.

***

Malikhaing Akda ni Ma.Kulet

Mag-post ng isang Komento

Maraming Salamat sa inyong pagsubaybay!!

Mas Bago Mas luma