Bakit Matinik Ang Tangkay Ng Rosas
Alamat Ng Rosas |
Noong araw ay may isang magandang dalagang nagngangalang "Rosa," na balita sa kanyang angking kagandahan, kayumian, at kabaitan. Maraming nangangayupa sa kanyang kagandahan. Nguni't ni isa sa mga ito ay hindi niya mapusuan.
Kilalang maraming binigong mangingibig ang dalagang si Rosa. At hindi rin lingid sa lahat sa kanilang nayon na wala itong ibig na mag-asawa bagkus ay inilalaan nya ang kanyang buhay para makapasok sa simbahan at makapaglingkod. May butihing puso rin ito at talagang matulungin si Rosa sa mga nangangailangan ng kanyang tulong.
Ngunit si Cristobal ay isang mahigpit niyang mangingibig, di ito makapapayag na di mapasakanya ang dalaga. Dahil alam ng binata na wala syang ni katiting na pag-asa kay Rosa ay bumuo ito ng isang maitim na balak sa dalaga. At nang ang binata'y makakita ng pagkakataon, ito'y nagtangkang halayin si Rosa at dinala niya ito sa may hardin.
Ngunit nanalangin si Rosa sa Panginoon at noon di'y siya'y naging bangkay. Sa hhindi maipaliwanag na pangyayari si Rosa'y biglang nawalan ng malay at tuluyang namatay. Dahil sa panggigilalas at takot ni Cristobal ay ibinaon niya ang dalaga sa bakuran nito ng walang pagdadalawang-isip.
Pagkaraan ay tumakbo itong may bahid ng pagsisisi sa kanyang ginawa at bahagyang luhaan. Hhindi rin sya makapaniwala sa kanyang naging kabuktutan. Nagsisisi man ay wala na syang nagawa kundi ang umusal ng pagpapatawad sa Panginoon sa kanyang nagawa at saka siya lumayo sa pook na iyon upang di na magbalik kailanman.
Mula noong ay hindi na nakita ng mga taga roon si Rosa. Sa halip, sa bakuran nito ay may isang halamang tumubo na may bulaklak ngunit paghawak sa tangkay nito ay napasigaw ka dahil sa talas ng tinik ng halamang hinahawakan. Maganda ang bulaklak at sadyang nakakabighani na pagmasdan. Ngunit nakakatakot itong hawakan.
Mahil ay niloob ito ng Panginoon na gawing bulaklak si Rosa na ang tangkay ay may mga tinik na tagapangalaga rito upang di-pagnasaang pupulin lamang ng sino man lalo na ng mga taong sadyang mapanira.
Ang bawat makakita sa bulaklak ay naghahambing ng ganda ni Rosa. Kaya't magmula noon ay tinawag nila rosas ang mga bulaklak na ito.
***
Aral: Lahat tayo ay nasa pangangalaga ng Panginoong MayLikha. Walang sinuman ang dapat maging mapanakit sa kapwa. Hindi ito dapat gawin ng sinuman sa kanyang napupusuan dahil ang masamang hangarin ay walang walang ipupunlang pag-ibig kaninuman.