Mga Bugtong

 BUGTONG-BUGTONG (Magbugtungan tayo)


Magbugtungan Tayo!
Magbugtungan Tayo!

 Narito ang dalawamput limang halimbawa ng bugtong na maaari mong ipahula sa iyong mga kaibigan habang kayo'y nagkakasiyahan.

 

1. Tumingin ka sa akin, Ang makikita mo'y ikaw din 

                Sagot: salamin

 

2. Palda ni Santa Maria, Ang kulay ay iba-iba 

                Sagot: bahag hari

 

3. Kung kailan ko pa pinatay ay saka nagtagal ang buhay 

                Sagot: kandila

 

4. Itapon mo kahit saan, babalik sa pinanggalingan  

                Sagot: yoyo

 

5. Wala sa langit, wala sa lupa, kung tumakbo ay patihaya

                Sagot: bangka

 

6. Lumalakad walang paa, tumatangis walang mata

                Sagot: pluma

 

7. Maliit at malaki, iisa ang sinasabi

                Sagot: orasan

 

8. Alaga kong hugis bilog, baray-barya ang laman ng loob

                Sagot: alkansya

 

9. Isang pamalo, punong-puno ng ginto

                Sagot: mais

 

10. Ang anak ay nakaupo na, ang ina ay gumagapang pa

                Sagot: Kalabasa


11. Tag-ulan o tag-araw, hanggang tuhod ang salawal

                Sagot: manok

 

12.May paa, walang baywang, may likod pero wala namang tiyan

                Sagot: upuan

 

13. Isang hukbong sundalo, dikit-dikit ang mga ulo

                Sagot: tambo

 

14. Isang butil ng palay, sakop ang buong bahay

                Sagot: bumbilya

 

15. Araw-araw nabubuhay, taon-taon ding namamatay

                Sagot: kalendaryo

 

16. Isda ko sa mariveles, nasa loob ang kaliskis

                Sagot: sili


17. Dalawang bolang sinulid, abot hanggang langit

                Sagot: mata

 

18. Bahay ni Ka huli, haligi'y bali-bali, ang bubong ay kawali

                Sagot: alimango

 

19. Mataas kung nakaupo, mababa kung nakatayo

                Sagot: aso

 

20. Hindi hari, hindi pari, kung magdamit ay sari-sari

                Sagot: paru-paro

 

21. Hindi tao, hindi hayop, buto't balat lumilipad

                Sagot: saranggola

 

22. Kung mahiga ay patagilid, kung nakatayo ay patiwarik

                Sagot: kutsilyo

 

23. Hindi tao, hindi hayop, binti walang hita, may tuktok walang mukha

                Sagot: kabute

 

24. Andyan na si Katoto, may dalang kubo

                Sagot: pagong

 

25. Hinila ko ang baging, nagtatarang ang matsing

                                    Sagot: kampana 


***

Ma.Kulet

Maikling Kwento ni Ma.Kulet

Mag-post ng isang Komento

Maraming Salamat sa inyong pagsubaybay!!

Mas Bago Mas luma