Pambatang Bugtong (Linangin ang isip!)

Bugtong! Bugtong!

Narito ang ilang pambatang bugtong na madalas mabasa sa mga librong pamabata o di kaya'y madalas gawing panghalimbawang mga bugtong sa loob ng paaralan. O di naman kaya'y sa mga simpleng pakikipagtagisan ng dunong kapag nagkakatuwaan lamang. 

Bugtong! Bugtong! Pambatang Bugtong!

1. Hayan na, Hayan na, hindi mo pa nakikita  

Sagot: Hangin


2. Isda ko sa Mariveles, nasa buto ang kaliskis

Sagot: Sili


3. Dumaan si Superman, nahati ang daan

Sagot: zipper


4. Habang pinapatay, lalo namang humahaba ang buhay

Sagot: kandila


5. Hindi hari, hindi rin pari, ang damit ay sari-sari

Sagot: sampayan


6. Hinila ko ang baging, nagtatarang ang matsing

Sagot: kampana


7. May isang prinsesa, nakaupo sa tasa

Sagot: kasoy


8. Baboy ko sa pulo, balahibo'y pako

Sagot: langka


9. Heto na si Kaka, bubukabukaka

Sagot: palaka


10. May puno walang bunga, may dahon walang sanga

Sagot: sandok

***

Mag-post ng isang Komento

Maraming Salamat sa inyong pagsubaybay!!

Mas Bago Mas luma