12 Halimbawa ng Haiku Tungkol Sa Kayamanan

12 Halimbawa Ng Haiku Tungkol Sa Kayaman


Kayamanan mo

Pakaingatan sana

Saglit mawala


Ang yaman sana

Wag tingnan gintong luho

Nakakalula


Hindi mawari

Mayaman man ay sawi

Materyalismo


Mayaman sana

Gintong nakalulula

Budhi ay wala


Mayamang tao

May pusong pagkalinis

Di matawaran


Nakasisilaw

Kumikinang na husto

Tubog na ginto


Maraming peke

Kayamanang di tunay

Nakapanlinlang


Napakaganda

Kumikinang-kinang pa

Subalit tubog


Nakakaganda

Palamuting makinang

Salat sa bulsa


Pusong dalisay

Kayamanan na tunay

Hirap makita


Kayamanan mo

Kabutihan ng loob

Na nasa puso


Walang katumbas

Kayamanan materyal

Walang halaga

Mag-post ng isang Komento

Maraming Salamat sa inyong pagsubaybay!!

Mas Bago Mas luma