30 Halimbawa ng Haiku Tungkol Sa Kapaskuhan


30 Halimbawa ng Haiku Tungkol sa Kapaskuhan

Kapaskuhan

Masayang araw

Gunita sa Maykapal

Sa Kaarawan


Santa Klaus

Saan ang punta

Mabigat ang mga dala

Pamaskong Handog


Kristmas

Galak ang hatid

Maligaya ang paslit

Regalo'y sulit



Kumukutitap

Kumukutitap

Mga ilaw na buhay

Nagkikislapan


Parol

Nakasabit na

Parol na pagkaganda

Wag mong sungkitin


Keso de Bola

Bilog at pula

Masarap sa tinapay

Pang-disyembre lang



Hamon At Keso

Sarap ng Pasko

Lalo kung marami 'to

Hamon at keso


Paskong Mapanglaw

Walang mga ilaw

Parol lahat nalusaw

Paskong may panglaw


Biyenan

Pasko na naman

Wala pa ring biyenan

Oh anong saklap



Simoy Ng Pasko

Pasko na muli

Marami na ang bati

Kumustahan na


Simbang Gabi

Simbang malamig

Dinaraos kung gabi

Kapag Pasko na


Hamon De Bola

Masarap nga ba

Inihain sa mesa

Di gagalawin



Rgalo Sa Pako

Regalo'y nahan

Bata namamasko na

Iwan ang barya


Aginaldo

Pasko na naman

Meron ng aginaldo

Mano po ninong


Ninang at Ninong

Batang mabait

Sa Ninong at Ninang ay

Nangungunyapit



Ninong Kuripot

Pasko talaga

Ninong ng buong bayan

Tumatakbo na


Ninang

Ninang, pasko na!

Kuko ay pulang-pula

Decor sa pasko


Inaanak

Ang inaanak

Masipag magmano

Pudpod ang noo



Batang Pasaway

Nagmamano na

Dahil batang pasaway

Kutos sa noo


Pasko Na

Kapag Pasko na

Inaanak lalabas

Pengeng regalo


Karoling

Himig ng pasko

Laganap na sa mundo

Bigay regalo



Ninang

Pihikang Ninang

Galanteng aginaldo

Sermon muna


Namamasko

Batang makulit

Pisong kanyang regalo

Ibinabato


Pasko na

Namamasko po

Pinto ay inyong buksan

Pamasko namin...







Simbahan

May palamuti

May belen at parol na

Paskong kayganda


Misa de Gallo

Simbang gabi na

Kinikilig ang iba

Si crush nariyan


Misa sa Pasko

Misa kung Pasko

Mata pupungas-pungas

Idlip sa misa


Mag-post ng isang Komento

Maraming Salamat sa inyong pagsubaybay!!

Mas Bago Mas luma