9 Halimbawa ng Haiku Tungkol Sa Gagamba


9 Halimbawa ng Haiku (Tungkol Sa Gagamba)

Sapot

Parang sinulid

Masinsinan ang tahi

Gawang gagamba


Likhang Gagamba

Puti na hibla

Tahi ay pagkaganda

Sapot ni Gamba


Tahing Gagamba

Magandang tahi

Duyan kung itinuring

Sapot gagamba



Gamba

Walo ang paa

Mabilis pang manahi

Yan ang gagamba


Arachnid

Walang antena

May sapot walong paa

Galing manahi


Pambihirang Gagamba

Paikut-ikot

Tumatahi ng sapot

Di maabala...



Maliksing Gagamba

Nasa kisame

Lumalambi-lambitin

Para manahi


Malikhaing Sapot

Nasa kuweba

Maliit at malaki

Duyang gagamba


Mala-baging Na Sinulid

Napakahaba

Akala mo ay baging

Sapot lang pala



Mag-post ng isang Komento

Maraming Salamat sa inyong pagsubaybay!!

Mas Bago Mas luma