Kalamansi



Kalamansi


Bilog bilog na kulay berde,

Sa bakod ay di mahahawi,

Mga tinik akala mo'y ngiping lagare,

Kapag ika'y natusok tiyak mababali.


Ano't napaka-asim na bunga,

Pero nuot sa lalamunan ang katas,

Kapag ito ay iyong piniga't sinala,

Ubo't sipon mo ay may lunas...


Hindi ka lang basta lalakas,

Kapag sinipsip ito kahit sandali,

Sigurado ring magpapakitang gilas,

Ngipi'y mangingilo sa kalamansi...


Kahit pilitin mo ang ngumiti,

Mukha'y magkakangiwi-ngiwi!

***

Mag-post ng isang Komento

Maraming Salamat sa inyong pagsubaybay!!

Mas Bago Mas luma