Bakit Tinawag Ang Prutas Na Lansones
Noong unang panahon kung saan ay masayang namumunga ang mga punong kahoy at hitik na hitik ang matatamis na prutas na mapipitas lamang ng abot kamay sa mga puno, may kung anong takot naman ang ilang mga naninirahan roon na galawin ang katangi-tanging puno.
Ito ay hitik na hitik sa mabibilog na bunga at animo'y malaubas na nagkukumpulan sa kanyang sanga. Walang isa mang mangahas na pumitas o kumuha kahit isa man lamang na bunga nito dahil ang nakatira sa tabi ng punong hitik na hitik sa bunga ay isang matandang ubod ng pangit ang mukha.
Sa tingin pa lamang ng matandang babae'y nahihintakutan na ang mga nagdaraan sa tabi nito para mangahoy ng mga tuyong sanga. At kapag napagtatanto ng mga ito na nasa paligid lamang ang matandang pangit ay hindi na sila tumutuloy sa malapit rito dahil sa takot na sila ay mabato. Subali't wala namang makapagpapatunay na may ganuon ng pangyayari na ginawa ang matanda.
Ang matanda'y hindi kinakikitaan na marunong ngumiti o tumawa. Mababanaag sa kanyang mukha ang kasungitan at madilim na pagmumukha. Ngunit hindi ito pansin ng matandang babae. Batid niyang siya'y kanilang kinatatakutan at pinandidirihan pa.
Sa kung anong himala naman, ang punong hitik ng bunga na mabibilog ay hindi man lamang nayanig sa lakas ng hangin at ng ulan. Matatag din na nakatayo ang kubo ng matanda at ang makikita lamang sa paligid nito ay ang mga nagkalat na dahon at mga naputol na sanga na maaaring tinangay ng hangin sa kasagsagan ng lakas bagyo.
Ang mangilanngila'y halata pa ang pangungutya kapag natatanawan ang matanda. Lumipas ang mga araw at dumating ang isang malakas na hangin at bagyo. Ang mga punong namumunga'y nagtumbahan at ang ilang mga nakatayo nama'y naglaglagan ang mga bunga nito. may mga kubong nangasira at mga hayop na nagkasakit dala ng labis na taglamig. Ito ang panahon ng tag-gutom. At dahil sa pangyayaring ito'y nakaramdam ng matinding kahirapan ang mga tao.
Nanggilalas ang mga nakakita sa ginawa ng bata, ang iba'y nahintakutan para rito. Ang iba naman ay nag-alala na baka ito'y patulan ng matandang masungit ang mukha. Subalit kabaligtaran ang ginawa nito. Kumuha ang matandang babae ng ilang pirasong bunga mula sa abot-kamay nitong mga sanga at ibinigay iyon sa bata. Ang mga tao'y nagbulungan, "Lason!" ang sambit ng ilan.
Maraming ang nakasaksi at ang karamiha'y manghang-mangha sa nakita. At dahil sa kumakalam na sikmura, ang isang batang paslit ay dahan-dahan lumapit sa pangit matandang babae at ngumiti ang bata rito sabay sabing, "Pwede po bang makahingi ng kahit ilang piraso para makain? Ako po'y nagugutom." ang malambing na tinig nito sa matanda.
"Baka malason ang bata!" ang sabi ng mga nakatunghay sa pangyayari. Biglang dumating ang ina ng bata at humahangos na tinakbo ang anak subalit ito ay nakakain na. Sa musmos nitong mukha ay makikita ang labis na kasiyahan. Tumigil ang oras sa lahat at animo'y naghihintay ng masamang mangyayari sa bata at gayundin ang ina nito na pinangko na ang anak sa pag-aalalang baka ito ay bigla na lamang mawalan ng hininga.
Subalit walang nangyaring masama sa bata at muli pa itong tumakbo sa matanda para manghingi ng mga bunga. Kumain na rin ang ina nito ng abutan sya ng matandang babae.
"Matamis! Matamis ang mga bunga nito pero kagaya ng ilan ay mapait lamang ang buto!" ang sabi ng ina ng bata.
Nagpasalamat ang mag-ina sa ibinigay pang mga bunga ng matandang babae. Bahagyang nasilayan ng mga ito ang mga ngiti sa kanyang labi habang inaabot ang mga bunga para kanilang makain. Hindi po pala kaya lubhang nakakatakot at masungit ang winika ng ina rito. Iyon lamang at nagpaalam na ang mag-ina kasabay ng walang humpay nilang pasasalamat rito.
At gumaya ang isa pang bata, at isa...at isa pa. Walang pagod na inabutan ito ng matandang babae. Napagtanto ng lahat ng magulang na sila ay sadyang naging mapanghusga. Noon lamang nila napansin na wala kasing nagtatratong maganda sa matandang babae kaya ito'y naging masungit sa kanyang pag-iisa. Pero ngayon ay mababanaag na sa mukha nito ang kaaliwalasan na di nila madalas na nakikita.
Humingi ng paumanhin ang mga magulang at mayuming ngiti lamang ang isinukli nito sa kanila. Tumalikod ito at akala ng karamiha'y di na ito papansin pero. Subalit laking gulat nila ng ipagkaloob ng matandang babae ang isang tiklis na mga bunga at sinabing "Ito'y kainin ninyo at pagsalu-saluhan. Magsabi lamang kayo kung ito ay kulang pa." Ito ang banayad niyang winika.
Magmula noon, hindi na nila pinipintasan ang matanda. Natuto na rin silang gumalang at makipag-usap rito. Napansin ng lahat na ang matanda'y mayroon na ring karamdaman. Bilang pasasalamat ito'y kanila na ring pinakisamahan. Isang umaga ay nagulat na lamang ang lahat. Nakapila ang maraming tiklis sa kanyang bakuran. Subalit ang matanda'y inabutan nilang wala ng buhay sa kanyang higaan. Namatay ito sanhi na rin ng katandaan at ilang karamdaman na marahil ay matagal na niyang iniinda. Maaring isa rin iyon na dahilan kung bakit akala nila'y masungit ang matanda.
Pinaghati-hatian ang mga tiklis ng bunga at pagkatapos ay inilibing nila ang matanda at inalayan ng bulaklak. At kinabukasan sa kanilang pagtataka'y muling naging hitik na hitik ang bunga ng puno na animo'y isang pasasalamat sa kanilang magandang pagtrato sa kanya. Napaiyak ang mga magulang at humingi ng tawad sa kanilang mga nagawa. Lubha naman palang kay buti ng matanda.
At pagkatapos ng ilang araw, ang bunga ay tinawag nilang lasones dahil sa ang pag-aakala ng lahat noong una na ito'y lason. At kalauna'y naging lansones. At dito nagmula ang alamat ng lansones.