15 Halimbawa Ng Haiku Sa Wikang Filipino


15 Halimbawa Ng Haiku Sa Wikang Filipino


Pag-ibig?

Saan nagmula

Lilitaw na lang bigla

Lalahong bula


Liwanag

Nakasisilaw

Hindi makuhang tingnan

Nakadidilim


Hamog

Malabong ulap

May malamig na hangin

Nakakasipon


Bulaklak sa Puno

Puting bulaklak

Nakakapit sa sanga

Kaakit-akit


Ulila

Pusong ulila

Ang hanap ay kalinga

Magulang wala



Takipsilim

Takipsilim na

Umuwi ng maaga

May sermon ka na


Hanging Sariwa

Hanging dalisay

Langhapin sa tuwina

Maging panatag


Ngitngit

Ako'y nagngitngit

Bagang ko'y nagngangalit

Mata naningkit


Ganid

Hwag mapangamkam

Mahirap ang parusa

Nakakasakit


Bulak

Puting malambot

Gawin mo itong unan

Sarap matulog



Tambay

Dapithapon na

Umuwi nga lasing pa

Walang trabaho


Baging

Baging sa puno

Naglambitin ang tsonggo

Bagsak sa lupa


Bula

Bulang malinis

Malinaw at makinis

Parang salamin


Pusang Gala

Gagalagala

Minsa'y nakatunganga

Walang makain


Bubuwit

Munting bubuwit

Mahilig sya kumain

Ngatngat ang keso


Mag-post ng isang Komento

Maraming Salamat sa inyong pagsubaybay!!

Mas Bago Mas luma