5 Bagay Na Hindi Mo Dapat Itapon Kahit Online Learning Mode Ka Na

Online learning mode ka ba? Nakatabi pa ba sa'yo ang mga lumang gamit mo noong ikaw ay pumapasok pa sa eskwelahan? Marahil ay marami na sa iyong mga pinaglumaang gamit ay hindi mo na ginagamit o maaaring naitapon mo na rin ang iba pa. Huwag basta magtapon ng mga lumang kagamitan dahil ang mga ito'y maaari mo pa ring mapakinabangan sa napakarami pa ring paraan.


Nasa ibaba ang listahan ng mga ilang kagamitang pang-eskwelahan na hindi halos nagamit buhat ng magsimula ang Online Distance Learning Mode. Marahil ay dahil ginagamit mo lang dati ang mga ito kapag pumapasok ka sa inyong paaralan. 


Pero alam mo bang maaari pa ring maging kapaki-pakinabang ang mga ito sa inyong pag-aaral kahit ikaw ay nasa Online Learning Mode? 

At dahil na rin sa napipintong Face-to-Face Learning Mode ng pangkalahatan, ang mga naturang gamit ay maaari pa ring magamit sa mga susunod na panahon ng inyong pag-aaral. Maging masinop at maingat sa inyong mga gamit para na rin makatipid-tipid. Tipunin at sinupin ang mga bagay na maaaring gamitin, para kagamitan sa pag-aaral ay di kulangin.

5 Bagay Na Hindi Dapat Itapon o Balewalain

1. pencil case/ ballpen pouch

Ang mga lumang pencil case ay maaari pa ring gamitin para hindi maiwan lamang sa kung saan-saan ang mga gamit panulat. Kadalasan, dahil sa naging 'new normal' na sitwasyon ng lahat, nakalimutan natin na dapat ay marunong din nating pahalagahan at panatilihin ang kasinupan ng ating mga gamit sa pag-aaral. 

Siguro ay naranasan mo rin bilang isang mag-aaral ang umuwi galing sa paaralan na nakawaglit o ikaw ay nakaiwan ng pencil o ballpen man lamang. Yung halos may pagkakataong kakabili pa lamang ni Nanay ng lapis mo tapos ay iwawala pa kaagad.   


2. bookmarks

Buhat ng mauso ang mga e-books, dahan dahan ng nawalan ng simpatiya ang ibang mga mambabasa/mag-aaral na gumamit ng iba't ibang uri ng bookmarks. Sa totoo lang  napakaganda at nakakaaliw ang makukulay na bookmarks na aking naabutan. Kabilang na ang mga bookmarks na may iba't ibang quotes na nag-aanyaya madalas ng positive thoughts para sipagin lalo ang mga mag-aaral sa kanilang pagbabasa.

Maaari pa rin namang gamitin ang mga ito lalo pa't mayroon pa rin namang iilan na hilig pa rin ang magbasa ng libro kaysa umasa sa mga digital na kopya. Mainam pa ring gamitin ang mga bookmarks bilang pang-ipit ng mga pahina ng mga babasahing textbooks.



3. folder

Hindi na nga ba kagamit-gamit ang mga folder nitong mga nakaraang pasukan? Napakahalaga ang gamit ng folder para maiayos ng maigi ang ilang mga mahahalagang papeles o dokumento. Bukod pa rito ay marami pa ring mahalagang gamit ang file folder para sa mga mag-aaral. Isa ito sa maaaring i-recycle para maging kapaki-pakinabang.


4. puncher

Isa  sa mga gamit na hindi napagtutuunan ng pansin at maaaring binabalewala na rin ng ilan ay ang puncher. Pero alam mo bang napakaganda at napakainam itong gamitin para maisaayos ang mga proyekto at mahahalagang dokumento ay mapagsama-sama ng maayos? 


5. bookcase

Isa ang gamit na ito sa hindi na masyadong nagagamit sa kasalukuyan dahil marahil  sa home schooling system na pinaiiral sa atin ngayon. Pero huwag basta itapon at balewalain dahil malaking bagay kung ikaw ay may lalagyan ng mga bagay na gupitin o project na gawain. Laking tulong sa maraming kalat-kalat na gawain para hindi lahat ng bagay ay hirap kang hanapin.


Disclaimer: Mahalagang maipabatid na ang mga link sa mga produktong ipinapakita rito ay isang affiliate link na kung saan ay may komisyon na matatanggap ang site na ito kung ikaw ay makakabili ngunit walang anumang karagdagang charge na manggagaling sa 'bantog si kulet site' para rito.

Sponsored: 


Mag-post ng isang Komento

Maraming Salamat sa inyong pagsubaybay!!

Mas Bago Mas luma