9 Gamit Dapat Meron Ka Kung Naka-Online Learning Mode

Aminin natin, iba na ang sistema at kalakaran ng pag-aaral sa makabagong panahon. Sa kasalukuyan ay iba na ito sa dating nakagawian ng pag-aaral ng ating mga estudyante.



Nakakalungkot man, subalit marapat pa rin na sabayan natin ang sistema ng pag-aaral para pa rin sa ikaka-tuto at ikayayabong ng ating mga kaalaman. Hindi lingid sa karamihan ang nakasasabik na kaisipang dulot ng pagbabalik ng face-to-face learning mode. Subalit dapat pa rin isaalang-alang ng karamihan ang kapakanan ng kalusugan at buhay bago isulong ang face-to-face mode.

Marami man ang kinakapos at kinukulang sa panahong ito, mainam pa rin na malaman muna kung ano ang dapat unahin para gastos na sobra-sobra ay ating maiwasan at upang mailagak ang tamang budget sa wastong pangangailangan.

Mainam na marunong tayong magtala ng mga bagay na mahalaga, hindi gaanong mahalaga at hindi kailangan para maisaayos natin ang ating kakailanganin sa ating pag-aaral.

Narito ang listahan ng mga gamit na dapat mong siguruhin na meron ka para ikaw ay maayos na makatawid sa pag-aaral sa iyong Online Learning Mode.

9 Gamit Dapat Meron Ka

1. notebook

Dumadami ang mga estudyante na nawawalan na rin ng hilig sa pagsusulat. Marahil ay dahil na rin sa hi-tech na panahon natin ngayon. Pero hindi pa rin natin dapat isantabi na malaki ang magagawa ng pagsusulat sa kasanayan na ginagampanan natin sa ating pag-aaral. 



Dapat lang piliin ang angkop na notebook sa klase ng ating pag-aaral. Dapat ay gamitin pa rin natin ito para makapagtala ng mahahalagang aralin at talakayin na magagamit sa pagsasa-ulo ng ating mga napag-aralan.

2. ballpen/lapis

Marahil karamihan sa estudyante ngayon ay nakaasa na lamang sa kanilang mga gadget para sa kanilang mga napag-aralan. 



Hindi na nga siguro nagagamit ng iba ang kanilang mga notebook at ballpen o lapis at papel sa kanilang mga online class. Pero dapat pa rin maintindihan ng karamihan na mahalaga ang notebook at ballpen o lapis at papel upang makapag-aral ng wasto at makapagturo naman para sa ating mga ulirang mga guro.

3. desktop/laptop

Sa Online Distance Learning, mahalaga ang sariling desktop o laptop. Mahalaga na nasa maayos na lugar din ito sa alinmang parte ng inyong tahanan para makapag-aral ng mabuti ang isang estudyante. Dapat din maintindihan ng mga mag-aaral kung paano i-maintain ang kanilang mga gadget at kung paano ito mapapangalagaan ng wasto upang makaiwas sa dagliang pagkasira.

4. headphones/earphones

Hindi lahat ay kailangan gumamit ng headphones o earphones. Subalit kung ikaw ay nakatira sa medyo maingay na kapaligiran, nakakatulong ito ng malaki para marinig mo ng husto ang talakayan ng inyong klase. 



Mainam na alamin ang kakayanan ng bibilhing headphones o earphones at kung angkop ito sa inyong gamit. Siguruhin at ipagtanong kung ito ay makakatulong ng wasto sa inyong pag-aaral para hindi makabili ng isang bagay na kalaunan ay hindi naman pala makakatulong sa inyong mga gingawa sa klase.

5. wired mouse/wireless mouse

Kung ikaw ay naka desktop, mahalaga ang mouse. Subalit kung ikaw naman ay naka laptop, optional ang mouse. Kung ikaw naman ay gumagamit ng tablet sa iyong pag-aaral online, hindi na kailangan ng mouse. 

Subalit ayon sa mga ilang gumagamit ng laptop, mainam pa rin ang paggamit ng mouse para makapaglayag ng mas mabilis sa mga browser. 

6. mousepad



Ito ay mainam na ka-partner ng mouse sa paglalayag. Sa kasalukuyan ay marami ng klase ang mahahanap na pagpipilian. Nasa gagamit na lamang kung saan mas kaya ng budget ng bulsa at kung saan sya mas komportable sa paggamit. 

May iba't-ibang haba at lapad na rin na maaari mo ng mabili online para mas komportableng gamitin.

7. eraser/correction tape/pambura



Kung sa iyong akala ay wala ng gamit ang eraser, nagkakamali ka. Pambura para sa lapis at correction tape naman kung para sa ballpen. Walang perpekto sa pagtatala ng mga sulatin at anumang talakayin na dapat isulat sa ating mga kwaderno. Nararapat pa rin na mayroon tayong pambura para mas maayos at mas malinis ang maging pamamaraan ng ating pagsusulat sa ating mga notebook/kwaderno.

8. computer table/lamesa

Ang mga desktop ay nangangailangan ng angkop na lamesa na kung saan ay hindi mo na ito madaling maililipat-lipat oras na ito'y ginagamit na. Dapat na piliin ang tamang laki at lapad ng lamesa at isasaalang-alang palagi ang inyong desktop at espasyo ng lugar na paglalagyan.




Subalit kung laptop naman, maaaring mas maliit na espasyo lamang ang kakailanganin, ang mahalaga ay angkop ito sa paggagamitan gayundin sa espasyo na paglalagyan.

9. Silya/upuan

Ang silya ay hindi dapat mawala sa listahan. Bilang ka-partner ng lamesa dapat ay may upuan na komportableng gamitin kung ikaw ay nagka-klase online. Ang matagal na pagkakaupo ay sadyang hindi maganda kung kayat bilang suhestyon marapat na panaka-nakang tumatayo at nag-iinat. 



Mainam na gumamit ng upuan na nakakatulong para ang iyong katawan ay komportable lamang sa kanyang posisyon oras na magsimula na ang klase. Nakakatulong ang angkop na kagamitan para maging listo ang isip at katawan.

Disclaimer: Mahalagang maipabatid na ang mga link sa mga produktong ipinapakita rito ay isang affiliate link na kung saan ay may komisyon na matatanggap ang site na ito kung ikaw ay makakabili ngunit walang anumang karagdagang charge na manggagaling sa 'bantog si kulet site' para rito


Sponsored:



Mag-post ng isang Komento

Maraming Salamat sa inyong pagsubaybay!!

Mas Bago Mas luma