Salawikain: Isaisip ang tamang turo, kapag tumanda ay ipasa ng buong puso.
Salawikain Tungkol Sa Pagtuturo ng Kaalaman |
"Isaisip ang tamang turo, kapag tumanda ay ipasa ng buong puso."
Paliwanag: Habang estudyante at bata pa dapat ay matuto ng maigi at linangin ang isip sa tama at ang mali ay iwaksi at maling turo naman ay iyong itama.
Magtyaga sa pag-aaral at pulutin ang mga wastong bagay na matututunan sa buhay. At para kapag tumanda'y ilaan namang magbigay ng kaalaman at magturo sa iba ng bagay na makakapagpabuti sa nakakarami. Ito'y para ang pinag-aralan mo ay di masayang at ang buhay ng iba'y matulungan naman ding magpunyagi.
Tumulong ng buong puso at tamang kaalaman lamang ang ipamahagi para mundo ay maging matiwasay at maging tahimik ang ating maging pamumuhay.
***