Gising Na Kamalayan
Diwa ay nagugulumihanan,
pikit mata para sa katotohanan,
sangkatauhan nga ba'y nabubulagan?
pananaw ay salungatan ang bahagdan?
Magkasalubong man ay
di pa rin magkaunawaan,
Magtama man ang paningin
personal na interes, makikita pa rin.
Bukambibig ang pakikiisa,
Lalo na sa nakakariwasa,
Nagkakanya-kanya sa pagtugon,
Kaya't buhol-buhol sa pagbangon.
Nangagsisimasid ang lahat,
Nangungutya, nananapok, naninipa.
Nakasubsob na't walang puknat sa pagluha,
Bumabanat pa rin para mandusing ng kapwa.
Hindi tayo natuto!
nagpanggap lamang para kunwa'y manibago,
Gayunpama'y umikot pa rin sa'tin ang mundo
Nagbigay ng sanlaksang luksa dahil laging bigo.
...