Ang Alamat Ng Makulay Na Bahaghari

Alamat Ng Bahaghari



Noong unang panahon, may isang Diyosa ng Kalangitan na nagngangalang Siyoko na nagmamay-ari ng isang malaking balon na punong-puno ng mga kulay at liwanag. Si Siyoko ay isang mapagmahal na diyosa, at kahit na may kakaibang kapangyarihan sa kanyang mga kamay ay nananatili namang mapagpakumbaba at may puso ng kabutihan.

Isang araw habang si Siyoko ay naglalakad-lakad sa kalupaan, may isang batang lalaki ang nakita niyang nakatitig sa malawak na kalawakan. Naramdaman ni Siyoko ang kalungkutan sa puso ng bata. Sa kanyang kabutihang loob, ipinamalas ni Siyoko ang kanyang kapangyarihan upang maipakita sa bata ang mga kulay na hindi pa niya nakikita. 

Ang pangalan ng bata ay Kiko, at sa unang pagkakataon ay nakakita si Kiko ng bahaghari. Hindi sya makapaniwala sa ganda nito kasabay ng diyosa. Kamangha-mangha at talaga napatulala ang bata sa nasaksihang kapangyarihan ni diyosa. Naisip niya na hindi lamang ito kumakatawan sa isang ordinaryong bahaghari, kundi sa isang mahiwagang pwersa sa kalangitan.

Nang makita ni Siyoko ang kanyang mga mata na nananabik sa kagandahan ng bahaghari, napagtanto ng diyosa ang kanyang mga taglay na kapangyarihan. At dahil doon, nais niya sa ipakita kay Kiko ang mas malawak na mundo sa kanyang paligid at ang lahat ng mga posibilidad na naghihintay para sa kanya.

Sa pagkagiliw ni Siyoko sa bata, ay biniyayaan niya ng isang kahon si Kiko. Yumukod ang bata bilang tanda ng pasasalamat sa diyosa. Sinabi ng diyosa na buksan ang kahon sa kanyang paglisan. Ang nais ni Siyoko ay hindi na muling malungkot si Kiko dahil batid ng diyosa ang busilak nitong puso.

Binuksan ni Kiko ang kahon pagkatapos na maglaho kasama ng isang malaking liwanang si Siyoko. Lumabas mula sa loob nito ang pitong iba't ibang kulay na napaka-ningning at napaka-makulay. Hindi makapaniwala si Kiko sa kanyang nakita at sa kakaibang kaligayahang kanyang naramdaman ng masaksihan ito.

Isang tinig mula sa kalawakan ang kanyang narinig. Bahaghari! Umaalingaw ang malamyos na tinig ng diyosa. Kung kaya't tinawag niya itong bahaghari.

Mula noon tuwing nakakaramdam ng lungkot si Kiko ay binubuksan niya ang kahon na handog sa kanya ng diyosa na si Siyoko. At patuloy naman ang bahaghari na nagbibigay ng matingkad na kulay at patuloy ito sa paglaki. Hanggang sa natatanaw na din ito ng marami pang pusong nalulumbay.

Lumilitaw ang bahaghari na parang isang pangako ng isang pag-asa na iniiwan sa puso ng bawat nakakakita nito at bumubuhay ng inspirasyon na nawawala.

Mula noon, ang bahaghari ay naging isang simbolo ng pag-asa at tagumpay. Simbolo rin ng mga bagay na hindi pa nakikita at ng mga pangarap nanasa ating mga puso Ngayon, tuwing makikita ng mga tao ang bahaghari, hinahangaan nila ito bilang isang alamat na nagpapakita ng kabutihan at kagandahan ng mundo.

Ito ang alamat ng bahaghari. Ang iniwan ni Siyoko na kaligayahan sa bawat pusong nalulumbay.

Mag-post ng isang Komento

Maraming Salamat sa inyong pagsubaybay!!

Mas Bago Mas luma